Eagle News — Inilabas na ng Senado ang kopya ng Statement Of Assets Liabilities at Net worth ng mga senador noong 2015.
Sa dalawampu’t-apat na senador si Senadora Cynthia Villar pa rin ang naitalang pinakamayaman na may kabuuang assets na 3.5 billion pesos.
Lumobo ang yaman ni Villar ng mahigit 1.6 billion mula sa dating 1.983 billion noong 2014, habang wala itong idineklarang anumang pagkakautang.
Pumangalawa sa pinaka mayaman si Senador Ralph Recto na may naitalang yaman na 531.670 million, pangatlo si Senador Bongbong Marcos na may 211.077 million, pang-apat si Senador Jinggoy Estrada na may 193.162 million habang pang lima si Senador Ramon Bong Revilla na may kabuuang assets na 173.394 million.
Nasa ika-anim na pwesto naman si Senador Juan Ponce Enrile na may kabuuang assets na 122.118 million, na sinundan ni Senador Juan Edgardo Angara na may 118. 255 million.
Pangwalo si Senador Teofisto Guingona na may assets na 103.886 million at Senador Serge Osmena, 90. 525 million.
Pasok din sa Top Ten Richest Senators si Senadora Grace Poe na may kabuuang assets na 89 m 118 thousand.Kasama sa nakalista sa kaniyang mga assets ang kaniyang dalawang bahay sa amerika.
Itinuturing namang pinaka mahirap na miyembro ng 16th Congress sina Senador Antonio Trillanes na nasa pang dalawamput tatlong pwesto na may 5.984 million.
Pero lomobo pa ng 400 thousand ang assets ni Trillanes na naitala sa pinakamahirap na senador noong 2014 na may kabuuang assets na 5.549 million pesos.
Nasa pang dalawampu’t apat o kulelat si Senador Francis Escudero.