Voluntary blood donation activity isinagawa sa Pampanga

4dfad150-631e-4edf-977c-d5bd36d3d681

SAN FERNANDO, Pampanga (Eagle News) – Nagsagawa ng voluntary blood donation activity ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at government employees ng Pampanga. Isinagawa ito sa Benigno Hall, Capitol Compound, City of San Fernando Pampanga nitong Huwebes, December 1, 2016.

May tema itong “DAYA CU, SAWUP CU”, Ing pecamasanting a regalung apagcalub cu careng capampangan. Sa tagalog  ay ” Dugo Ko, Tulong Ko”, Ang pinakamagandang regalo ko sa mga kapampangan.

Ang nasabing aktibidad ay sinuportahan ng mga Medical team ng Pampanga Medical Specialists at JBL Hospital. Bahagi din ito ng kanilang preparasyon sa nalalapit na Pampanga Day ngayong darating na December 11, 2016.

Ener Ocampo – EBC Corrspondent, San Fernando, Pampanga