Isasailalim sa source code review ng mga local expert ang vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa darating na eleksyon sa 2019.
Ayon kay Commission on Elections Spokesperson James Jimenez, ang nasabing review ay makakatulong para matiyak ang integridad ng mga makina na gagamitin sa nalalapit na halalan.
Katulad ng nagdaang eleksyon, ang Comelec ang magpapatakbo ng mga makina mula sa Smartmatic.
Susundinng makina ang 25 percent shading threshold policy kapareho noong 2016 elections.
Samantala, tiniyak naman ni Jimenez na hindi maapektuhan ng election calendar ang plebiscite para sa Bangsamoro Organic Law.
Ayon pa sa opisyal, mahigit na sa isang milyong indibidwal ang nagpa-rehistro sa itinalaga nilang three-month period.
Umaasa naman ang Comelec na nasa 61 million voters ang boboto sa susunod na taon.