MANILA, Philippines — Mainit ang naging patutsadahan ng mga kandidato sa Pagka-bise Presidente sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng bansa sa isinagawang Pilipinas Debates 2016 sa University of Sto. Tomas sa Manila.
Agad sinalubong ng tensiyon ang debate nang sumigaw ang isang grupo ng “Never Again” habang nagsasalita si Sen. Bongbong Marcos para sa kanyang Opening statement.
Agad namang binanatan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang kanyang katunggaling si Marcos kaugnay ng p205 million Pork barrel ng senador na napunta sa bogus Non-Government Organizations ni Janet Napoles.
Sinagot ito ni Marcos at sinabing ang Anti-Corruption hearings sa senado ay ginagamit lamang ng mga kapwa senador para tumaas ang kanilang ratings.