VP Robredo, bumisita sa Palawan para sa “dialogue” sa mga mag-aaral; inilunsad ang “Babaenihan” campaign

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Bumisita si Vice Pres. Leni Robredo sa Palawan nitong Biyernes (August 11) upang pangunahan ang paglulunsad ng “Babaenihan Campaign” sa Western Philippines University.

Sa ginanap na paglulunsad ng Babaenihan Campaign sa Manuel Bacosa Theater ng naturang unibersidad, tinalakay ni Robredo ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataang kababaihan at ang mga karapatan nito sa lipunan.

Sa pakikipagdayalogo niya sa mga kabataang mag-aaral, kaniyang tiniyak na dapat magkaroon ng mga programang tutulong sa mga kabataang kababaihan, pagbibigay ng maayos na edukasyon lalo higit sa mga naninirahan sa mga island community, youth- friendly healthcare at disenteng hanapbuhay. Ito ay upang maging katuwang ng bansa sa paglikha ng isang maayos na lipunan.

Nakatakda ding bumisita ang Pangalawang Pangulo sa Langongan Fishing Village sa araw ng Sabado (August 12). Dito ay talakayin niya ang ilang mga bagay na may kinalaman sa mas ikauunlad pa ng turismo bilang bahagi ng Community Based Sustainable Tourism ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City.

Anne Ramos – Eagle News Correspondent, Puerto Princesa City

This website uses cookies.