(Eagle News) — Para kay Vice President Leni Robredo hindi sagot ang panibagong ekstensyon ng martial law.
Aniya, malinaw na hindi ito epektibo simula ng ipatupad ito sa Mindanao dahil patuloy pa rin ang terrorist activity doon.
“Merong martial law sa Mindanao, pero nakita natin over the past months, hindi ito nagiging hadlang para yung karahasan maprevent. Una nyan nagkaroon ng bombing sa Lamitan. Ito na naman sa Sultan Kudarat kahapon (Agosto 29). Patuloy pa din. Patuloy yung mga terrorist activities na nangyayari. So, ano yung assurance natin na pag inextend ang martial law talagang mapre-prevent ito? Kasi ito naman talaga yung sadya ng martial law,” ani Robredo.
Sa December 31 pa ng taong ito matatapos ang martial law. At sakaling muli itong palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito na ang ikatlong ekstensyon ng batas militar sa Mindanao. (Eden Suarez)
https://youtu.be/ob6mqk9MxXg