VISAYAS, Philippines — Tatanggap ng karagdagan pang limang daang piso sa kanilang buwang sweldo ang mga domestic helpers sa eastern Visayas.
Ito ay matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang bagong wage order para sa mga kasambahay sa eastern Visayas.
Sa ilalim ng bagong wage order, ang mga kasambahay sa first class municipalities ng Region 8 ay tatanggap ng PHP 2,500 monthly wage habang sa iba pang munisipalidad ay dalawang libong piso naman.
Binalaan naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga employer na lalabag sa wage hike order na maaaring mapagmulta ng mula sampung libo hanggang apat na pung libong piso.