Walang conditional dialogue sa China – Yasay

PASAY, City, Philippines (Eagle News) — Ibinasura ng Pilipinas ang panukala ng China na conditional dialogue kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, inayawan niya ang alok ng Beijing na bilateral negotiation na labas sa desisyong inilabas ng Permanent Court of Arbitration.

Naganap ito nang magkita sina yasay at Chinese Foreign Minister Wang Yi sa sideline ng Asia-Europe Meeting na ginanap sa Mongolia.

Ayon kay Yasay, binigyang-diin niya sa China na hindi sang-ayon sa konstitusyon at national interest ng bansa ang nais mangyari ng beijing.

Inihayag ng DFA Chief na prayoridad ngayon ng bansa ang negosasyon para makabalik ang mga mangingisdang pinoy sa Scarborough Shoal habang ang implementasyon ng iba pang desisyon ng arbitral tribunal ay isa-isang tatalakayin.

Una nang sinabi ng China na hindi nito tinatanggap ang desisyon ng tribunal.

Bagama’t bukas (open) daw ang Beijing sa negosasyon kung ang pagbabatayan ay ang “historical facts” na siya ring basehan ng China sa pag-angkin nito sa halos buong South China Sea.

Related Post

This website uses cookies.