MANILA, Philippines (Eagle News) — Inatasan ni President Rodrigo Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na ipag-utos sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tanggalin na ang protocol para sa no-fly zone tuwing bumibiyahe ang eroplanong sinasakyan ng pangulo ng Pilipinas.
Sa kaniyang unang cabinet meeting, binigyang diin ni Duterte na ayaw niya ng special treatment.
Dapat aniyang ituring ang kaniyang sarili at mga miyembro ng gabinete na karaniwang mamamayan kapag sumasakay ng eroplano.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Duterte na tanggalin na ang 30 minutong no-fly zone sa tuwing mag-take off at lalapag ang eroplano ng pangulo.
Ito’y upang makaiwas umano sa abala sa iba pang pasahero kapag naantala ang flight ng mga ito.