(Eagle News) — Nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase ang ilang mga lokal na pamahalaan para ngayong Lunes, Hulyo 9 dahil sa posibleng mga pagbaha dulot ng Super Typhoon “Gardo.”
Kabilang sa mga naglabas na ng abiso ang mga sumusunod na lugar.
Sa National Capital Region (NCR), #WalangPasok ang Caloocan, Las Piñas, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Maynila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pateros, San Juan, Taguig, at Valenzuela.
Wala ding pasok ang probinsya ng Abra, Angeles, Pampanga; Bataan Province; mga bayan ng Balagtas, Marilao,Obando, at Meycauayan, Bulacan, Cavite Province, Laguna Province, mga bayan ng Angono, Binangonan, Cardona, Cainta, Jalajala, Morong, Pililla, Rodriguez, San Mateo, Taytay, Tanay, at Teresa sa Rizal.
Wala namang pasok mula Pre-School hanggang Elementary sa Antipolo, Rizal.
Samantala, Pre-school to High School naman ang nag-anunsyo na nang suspension ng klase sa Ilocos Region, Mangaldan, Pangasinan, Central Luzon At Zambales maliban sa Olongapo City.