Walo pang bayan sa Agusan del Sur idineklarang under state of calamity

AGUSAN DEL SUR (Eagle News) – Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur ang “state of calamity” dahil sa pinsalang dulot ng mga pagbaha sa nasabing probinsiya. Ito ay dala ng tail end of cold front noong nakaraang linggo  at matinding pag-ulan na patuloy na nananalasa sa malaking bahagi ng Mindanao.

Mayroong ng 8 Munisipyo sa Agusan del Sur ang naunang nagdeklara ng state of calamity, ito ay ang sumusunod:

  1. San Luis
  2. Esperanza
  3. Loreto
  4. La Paz
  5. Talacogon
  6. Bunawan
  7. Veruela
  8. Trento

Ang nabanggit na mga bayan ay dinadaanan ng Agusan River na isa sa pinakamalaking ilog sa bansa. Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagpapadala ng tulong ng Lokal na Ppamahalaan sa mga apektadong residente.

Reynaldo Jaboneta – EBC Correspondent, Agusan del Sur