War of Words’ titindi pa sa Arbitration ruling

Eagle News — Naniniwala ang ilang eksperto na lalo lamang magpapatindi sa tension sa West Philippine Sea ang ilalabas na desisyon  ng Permanent Court of Arbitration.

Inaasahan na kahit pumabor man sa Pilipinas ang inihaing reklamo ay tiyak na hindi bibigay ang China.

Ika-labing isa ng umaga oras sa Europa ilalabas ang desisyon o ika-lima naman ng hapon sa Pilipinas.

Ayon kay Professor Shi Yinhong ng Beijing Renmin University, ang tingin ng China ay pinagkakaisahan ito ng ASEAN countries kasama ang Amerika na mahigpit na tumututol sa pag-angkin sa mga isla.

Kapag nangyari ito, pag-iibayuhin naman daw ang ‘strategic relations’ ng China sa Russia na magbibigay sa kanila ng “common ground” laban sa Amerika.

Eagle News Service.

 

 

Related Post

This website uses cookies.