MANILA, Philippines (Eagle News) — Mananatili muna sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamumuno sa anti-drug war campaign ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing sa Davao City.
Ayon sa opisyal, hindi pa nakakapag-desisyon dito si Pangulong Rodrigo Duterte.
“It is safe to reveal that the president, while inclined to return it to the Philippine National Police (PNP), has not made up completely his mind,” pahayag ni Roque.
Paliwanag pa ng opisyal na, kanya pang lilinawin ang nasabing usapin sa Pangulo.
“I guess until the document is signed by him, it remains with PDEA,” ayon kay Roque.
Nitong nakaraang linggo inihayag ni roque ang pagnanais ni Pangulong Duterte na ibalik sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra illegal drug trade.
Ito’y dahil hindi na umano nasasapatan ang Pangulo sa trabaho ng PDEA.
(Eagle News Service, Aily Millo)