War on drugs ni Pangulong Duterte, suportado ng European Union

(Eagle News) — Handang magbigay ng suporta ang European Union (EU) sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, pinag-aaralan na nila ang pagbuo ng isang proyekto na tutulong sa mga drug user para hindi na bumalik sa kanilang nakasanayang gawain.

Layunin ng proyekto ng EU na ipakita sa mga drug addict ang kahalagahan ng pagiging ‘drug-free’.

Sakaling buo na ang proyekto, unang ipatutupad ito ng eu sa mga barangay sa Luzon.

Kung magiging epektibo aniya ang proyekto, ipatutupad din ito ng EU sa iba pang lugar sa labas ng Luzon.

Sinabi din ni Jessen na nakikipag-ugnayan na rin ang EU sa Department of Health at sa World Health Organization para sa implementasyon ng proyekto.

Related Post

This website uses cookies.