Ni Josephine Guara
Eagle News Service
CAUAYAN, Negros Occidental (Eagle News) – Patuloy na pinapakinabangan ngayon ang proyektong gulayan sa bakuran ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo dito sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental.
Dahil sa pagsunod sa proyektong inilunsad ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ay hindi rin nabigo ang mga kaanib sa masaganang pagkukunan ng pang-araw-araw na pagkain. Nakapag-ani rin sila na ng masustansiyang gulay kung saan malaking tulong sa bawat pamilya. Nakakabawas rin ito sa sa budget sa pang-araw-araw dahil sa bakuran pa lamang ay pupuwede nang mamitas ng uulamin.
Ang nasabing proyekto ay isinasagawa hindi lamang dito sa Negros Occidental, ngunit maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isinasagawa rin ito maging ng mga kaanib sa kani-kanilang mga bakuran, kahit na sa labas ng Pilipinas.