WATCH: Hiling ng isang bata mula sa California kay Pangulong Duterte, tinugon

(Eagle News) — Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng isang labing-isang taong gulang na bata para batiin ang kanyang mga kaklase at guro sa isang paaralan sa California, USA.

Ang sulat kamay na liham ng batang si Andre Esteban ay pinost ng kanyang inang si Almyra Grace Custodio sa kanyang Facebook account na ni-repost naman ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa kanyang account.

Nakasaad sa liham ni Andre na gagawa ng report si Andre tungkol sa Pilipinas kaya hiniling niya sa pangulo na mag-“hello” sa kanyang mga kaklase sa Fresno Adventist Academy sa California.

Ibinida rin ng bata na proud-na-proud itong maging isang Pilipino at umaasa siyang magkikita sila nang personal ni Pangulong Duterte.

Ini-anunsyo naman ni Special Assistant to the President, Secretary Bong Go na nakarating kay Pangulong Duterte ang liham kaya agad naman nitong pinagbigyan ang hiling ng bata.

Sa video ng Pangulo, binati nito ang guro na si Mrs. Richiutti at mga estudyante ng paaralan lalo na kay Andre Esteban.

Related Post

This website uses cookies.