WATCH: “Song of Hope” na komposisyon ng isang sundalo para sa Marawi City, nag-viral sa social media

MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle News)“Marawi, bumangon ka, tama na ang maling pakikibaka, kapatid gumising ka!”

Bahagi ito ng awiting “Bangon Marawi,” isang orihinal na komposisyon ni Sgt. Ronie Halasan ng 1st Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay Halasan, isinulat niya ang nasabing awitin noong unang linggo pa lamang ng bakbakan sa Marawi matapos siyang maghatid ng supplies sa tropa ng gobyernong nakikipagbabakan sa Maute Group.

Gusto niya raw ipaabot sa lahat sa pamamagitan ng nasabing kanta na lubhang napakahalaga ng pagtutulungan upang makabangong muli ang Marawi City.

Noong Martes ng gabi, Hulyo 11, lamang ini-upload sa Facebook ang nasabing “Song of Hope.”

Umabot na sa mahigit 4,000 ang shares ito.

 

Related Post

This website uses cookies.