Water level sa mga palaisdaan sa ilang lugar sa Pangasinan patuloy na bumababa

PANGASINAN, Philippines — Problemado ngayon ang mga fishpond owner sa Pangasinan dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa kanilang mga palaisdaan.

Dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, halos matuyo na ang mga palaisdaan sa probinsya.

Kasama sa mga apektadong lungsod ay sa Dagupan, Binmaley at San Fabian.

Dahil dito, napilitang magbawas ng mga inaalagaang isda ang mga apektadong fish pond owners upang hindi  na lumaki ang kanilang pagkalugi.