(Eagle News) — Ang mga lawa at daluyan ng tubig sa Pilipinas ay nababalot ng “water lily”
Ito ang madalas na sinisisi sa mga mapaminsalang pagbaha.
Pero sa Tarlac City, kanila itong pinakikinabangan at pinagkukunan ng eco friendly na panggatong ang watrer lily.
Mas malaki man ang nagagastos kung ikukumpara sa tradisyunal na uling, kaunting usok lang daw ang nai- po produce nito at mas matagal masunog.
Layon ng kompanya na maibenta ito sa merkado, para mabawasan ang paggamit ng regular na uling at mabawasan ang pagputol ng mga puno sa gubat.
Para naman kay Mang Mario, Presidente ng asosasyon ng mga may kapansanan man o wala, mayaman o mahirap kailangan mong ingatan ang inang kalikasan.
Sa tala, kalahati ng isang daang milyong katao sa pilipinas ang gumagamit ng uling sa pagluluto
Sapat ang bilang na ito para makakagawa ng malaking pagbabago at kung magiging eco-friendly lamang ang mga ito.