“We Make Change Work for Women,” isinagawa sa Meycauayan, Bulacan

MEYCAUAYAN, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Henry R. Villarica katuwang ang kanyang maybahay na si Congress woman Linabelle Ruth R. Villarica ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan na may temang “We Make Change Work for Women” kung saan ito’y dinaluhan ng mga kababaihan galing sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Meycauayan.

Bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang naghandog ng mga iba’t ibang gawin gaya na lang ng zumba na ginawa sa Meycauayan Commerical Complex.

Pagkatapos nito nagkaroon ng parada papuntang Meycauayan Convention Center para naman sa isang seminar hingil sa usapin ng Magna Carta for Women kung saan dumalo at nagbigay ng kanilang mensahe hingil sa nasabing usapin sila Konsehal Jojie Violago ang Committee Chairperson for Woman and Family Relation, Konsehala Cathy Abacan Committee Vice Chairperson for Woman and Family Relation, Konsehala Kat Hernandez, Konsehal Raoul Atadero, Konsehal Elmer Paguio, Konsehal Cocoy Dulalia, Konsehal Mekok Ramirez, Konsehal Tomas Rosales at Bokal Alex Castro.

Mayroon ding libreng medical at dental services, legal consultation, relaxation gaya na lang ng manicure/pedicure, masahe, libreng gupit, ligation at papsmear.

Alejandro B. Soriano, EBC Correspondent

Photos courtesy of Office of City Administrator, Meycauayan City Bulacan PIO

 

Related Post

This website uses cookies.