Isang social gathering ang ginawa pa sa mga nagnanais na umanib at nagsusuri sa mga aral ng Iglesia Ni Cristo sa mga lalawigan ng Antique at Iloilo.
Ang aktibidad na ito ay tinawag na “Welcome Kapatid Ko”, kung saan pangunahin o prioridad ng aktibidad na ito ang mga nagnanais na umanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga nagsusuri sa loob ng Iglesia. Kung saan ay nagtapos ito sa isang masayang salo-salo o boodle fight.