PANGASINAN (Eagle News). Kahit na masungit ang kalagayahn ng panahon, masaya pa ring naisinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) ang “Welcome Kapatid Ko.” Isinagawa ito ng sabay-sabay sa apat na dako tulad ng;
- Urdaneta
- Pozorrubio
- Rosales
- Tayug
Ang nasabing aktibidad ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa mga kasalukuyan nilang dinodoktrinahan at sinusubok na nasa proseso para maging kaanib sa INC. Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang naging panauhin nila noong nakaraang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios na isinagawa noong July 29, 2016 na pinangunahan ng mga kalihim (secretariat) sa bawat lokal.
Sa programa isinagawa ay nagpakitang gilas ang mga kapatid na may talento sa pag-awit at pagsayaw. Nagkaroon din ng mga palaro sa mga dinudoktrinahan at sinusubok at namahagi rin sila ng mga give-aways. Ang aktibidad ay nagdulot ng kasiglahan sa mga dumalo na ito ay pinangunahan nina Bro. Nelson H. Mañebog, District Supervising Minister at Bro. Almario Elepaño, Assistant District Supervising Minister.
Courtesy: Jericho Jade Madolid – Urdaneta City, Pangasinan Correspondent