GUADALUPE, Makati City (Eagle News) – Matagumpay at masayang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo mula sa lokal ng Guadalupe, Makati City ang isang aktibidad na “Welcome Kapatid Ko”.
Ang aktibidad na ito ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa kasalukuyang nasa proseso ng pag-anib sa Iglesia na tinatawag na Dinudoktrinahan at Sinusubok. Layunin ng mga ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo na mabigyang halaga ang bawat kaanib lalo na ang mga nagsusuri at at nasa uring umaanib pa lamang sa Iglesia.
Sa isinagawang programa ay nagpakitang gilas ang mga kapatid na may talento sa pag-awit at pagsayaw. Nagkaroon din ng mga palaro para sa mga dinudoktrinahan at sinusubok.
Pinangunahan ni Bro.Ronald Catriz ministro ng INC ang nasabing aktibidad. Buong kasiglahan naman na nakipagkaisa ang mga kaanib ng INC sa nasabing lokal ng Iglesia. Sa kabuuan ay nagdulot ng ibayong kasiglahan sa mga dumalo ang ginawang programa.
Courtesy: Rick Somintac