ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Target marecruit ng Philippine Army ang mahigit kumulang na 500 na bagong sundalo sa Mindanao.
Nananawagan si Brigadier General Rolando Joselito D. Bautista ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Western Mindanao Command sa lahat ng interesado na mag-apply.
“Kailangan kayo ng inyong army kaya huwag kayong mag-atubiling mag-apply,” wika ni Bautista.
Ang mga maaaring mag-apply ay dapat na maging:
- Natural-born citizen ng bansa
- 18 to 26 years old
- at least 5’0 or 6’0 inches na taas
- Binata at wala pang anak
- May good moral character
- Physically at mentally fit para sa military training
- at least may 72 units sa college
- kung high school graduate ay may technical skills na kailangan ng armed forces.
Dapat na maipasa ng mga aplikante ang pre-qualifying physical fitness test at physical medical examination.
Marapat ding ipasa ang mga sumusunod:
- College graduates: Original copy ng transcript of record at diploma
- High school graduates: Form 137
- Original copy ng birth certificate na may official receipt mula sa national statistics office.
Ipinaaalaala ni Bautista na walang bayad ang pag-a-apply sa pagiging sundalo.
Jun Cronico – EBC Correspondent, Zamboanga City