ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nagsagawa ng Whistle for Protection Campaign ang Child Inc., at Child Fund katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas City, Capiz, isinagawa ito sa Dinggoy Roxas Civic Center noong February 28, 2017.
Dinaluhan ito ng mga kabataan at maging ng mga batang mayroong kapansanan. Layunin nito na maprotektahan at mapangalagaan ang mga kabataan lalo na ang mga children with disability at makatipon ng pondo para sa mga ito.
Kasama sa isinagawang programa ang pagpapakita ng mga batang mayroong kapansanan ang kanilang aking talento. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan na parang wala silang kapansanan habang isinagasawa ang programa.
Ang nasabing campaign ay suportdao ng mga stake holder ng lungsod at ni Vice Mayor Erwin Sicad na dumalo sa nasabing programa. Malaking aniya ang tulong na ito sa mga kabataan lalo na sa mga kabataang may kapansanan.
Ang ganitong mga programa ay hindi lamang para matulungan sila sa kanilang materyal na mga pangangailangan kundi lalo na sa kanilang mga distress situation.
Neal Flores – EBC Correspondent, Capiz