WHO, pinuri ang hakbang ng PHL kontra Zika

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan sa pagsisikap na ma-kontrol ang Zika Virus, kasunod ng naitalang ika-anim na kaso nito sa bansa.

Ayon sa WHO, isa ang Pilipinas sa mga bansang may Zika transmission na sa nakaraan, subalit hindi ito kumalat kumpara sa mga bansang laganap ang Zika ngayon.

Binanggit din ang hakbang ng Department of Health (DOH) sa voluntary testing para maintindihan ang lawak ng sirkulasyon ng Zika.

Samantala, sinabi ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Eric Tayag na magpa-padala sila ng team sa Ilo-Ilo city para sa monitoring ng ika-anim na kaso ng Zika na natala roon.

https://youtu.be/_MovV-Qdbu8