MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinuri ng World Health Organization ang bansa ukol sa pag-apruba ng tax sa sugar-sweetened beverages (SSB).
Ayon sa WHO, Isa ang Pilipinas sa mga unang bansa sa Asia na isinama ang SSB tax sa national agenda.
May mga ebidensya ring nagpapakita na makakatulong ito sa pag-bawas ng konsumo ng asukal para ma-iwasan ang sobrang timbang, diabetes at sakit sa puso.
Sa Pilipinas, tumataas na ang bilang ng mga over-weight o obese na dahilan ng pagkamatay ng apat sa sampung mga Pilipino.
Sinabi rin ng WHO na ang kita mula sa SSB tax ay makatutulong sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan.
https://youtu.be/dJ60OxGC5ys