Nagsagawa ng libreng seminar para sa mga buntis at bagong nanganak pa lamang ang Philippine Business for Social Progress sa Lipa City.
Ang seminar–na isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Health Office at inisponsoran ng Lima Organization of Pollution Control Officers, Inc. (LOPCO Inc.)—ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan ukol sa tamang pagpaplano ng pamilya, kabilang na ang wastong paggamit ng mga contraceptives.
Humigit-kumulang 200 kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay sa Lipa ang dumalo sa nasabing seminar.
Kabilang na dito ang Brgy. Inosloban, Brgy. Plaridel, Brgy. Bugtong na Pulo at Brgy. San Lucas.
(Eagle News Service, Lipa City Correspondent Edwin D. Malveda)