Ni Meanne Corvera
Eagle News Service
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang telecommuting act o work from home program.
Dalawamput dalawang senador ang pumabor sa Senate bill 1363, na inakda nina Senador Cynthia Villar at Joel Villanueva at layong hikayatin ang mga kumpanya na payagan ang kanilang mga empleyado na magtrabaho sa bahay.
Ito ay para maibsan ang matinding traffic lalo na sa Metro Manila.
Sa ilalim ng panukala, ginagarantyahan na rin ang kaparatan ng mga home-based worker sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na sweldo, benepisyo at mga promotion.
Pero hindi naman magiging mandatory ang batas sa lahat ng kumpanya.
Paglilinaw ng mga awtor ng panukala, binibigyan lang ng options ang mga employers lalo na ang mga nasa telecommunications technologies kabilang na ang mga call center para hindi maipit sa matinding traffic ang kanilang mga empleyado lalo na kapag rush hour.