Workshop para sa pagbabago ng sistema sa DepEd, isinagawa

HULYO 29 (Agila Balita) — Nagsagawa ng workshop ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng Data Management Information System kung saan dalawang araw itong isinagawa sa bayan ng Sablayan lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ito ay dinaluhan ng mga school Heads, Planning Officers at ICT Coordinators ng bawat eskwelahan.

Layunin ng workshop na ito na maging updated ang bawat eskwelahan sa mga pagbabago sa sistema ng students records at grading system na mas pinadali para sa mga guro.

(Agila Probinsya Correspondent Blanche Linesses)