Yellow heavy rainfall warning, itinaas sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa LPA

Photo courtesy of http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/

(Eagle News) – Itinaas na sa yellow heavy rainfall warning ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) and ilang bahagi ng Mindanao dahil sa pag-ulan na dulot ng isang low pressure area (LPA).

Itinaas ang babala sa mga lugar na sumusunod: Camiguin, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon at Magsaysay sa Misamis Oriental, Kapalong, San Isidro, Asuncion at New Corella sa Davao Del Norte.

Nagbabala naman ang PAGASA na ang malakas na pag-ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar ay maaaring magdulot ng pagbaha.