Yolanda victims na hindi pa nakatanggap ng emergency shelter assistance, bibigyan sa Hunyo

(Eagle News) — Puwede nang maibigay sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na hindi pa nakatanggap ng emergency shelter assistance (ESA) ang kanilang presidential financial assistance sa Hunyo.

Kinumpirma  Liza Camacho ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office-6 na naglaan ng isang bilyong pisong pondo ang pamahalaan, upang mabigyan ng tig-limanlibong pisong tulong pinansiyal ang libu-libo pa ring Yolanda victims na hindi pa nabibigyan ng ESA hanggang sa ngayon.

Kabilang sa mga rehiyon na paglalaanan ng nasabing pondo ay ang Region 6, Region 8 at Region 4-B na pawang labis na sinalanta ng nasabing bagyo.

Tiniyak din ni Camacho na hindi na mahahaluan ng pulitika ang pamamahagi ng tulong pinansiyal dahil sa kabilang na sa kanilang binuong validation team ang mga kasapi ng iba’t-ibang civil society groups sa mga nabanggit na rehiyon.

https://youtu.be/zjii46bFO9I