Zamboanga City Jail inmates hinikayat na maging miyembro ng SSS

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Hinikayat ng mga pamunuan ng Social Security System (SSS) ang ilang mga naka-detain sa Zamboanga City Jail na magbukas ng account. Inilunsad nila ang “AlkanSSSya Program” na isang sistema na kanilang binuo na madaling paraan ng pag-iipon ng isang inmate sa isang coin bank. Tuwing katapusan ng buwan ay kokolektahin naman ng empleyado ng ahensiya ang mga naipon upang ipasok sa kanilang account sa SSS.

Nagkaroon din ng contract signing sa pagitan ng mga pamunuan ng SSS Zamboanga at Zamboanga City Jail bilang partnership sa proyektong inilunsad na ito. Ayon kay G. Rodrigo B. Filoteo, Vice President ng SSS Mindanao West, wala umanong dehado, lahat ay galante kapag naghuhulog ng SSS ang isang miyembro nito.

Ayon naman kay Ervin R. Diaz, Zamboanga City Jail Warden, sisikapin nilang maitaguyod ang proyektong ito ng naturang ahensiya. Para na rin aniya matulungan ang mga inmate upang habang sila’y nakapiit ay magiging makabuluhan ang kanilang pag-iipon.

Nagpapasalamat naman ang mga inmate sa mga pagkakataon at mga proyektong katulad nito.

Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City

 

Related Post

This website uses cookies.