ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Inisa-isa ng mga tauhan ni Supt. Nonito Asdai, hepe ng Police Station-6 ng Zamboanga Police Office, ang pag-iinspeksiyon sa mga pumapasok na bangka na may mga pasahero mula Basilan at Sulu.
Nais ni Asdai na matiyak na hindi magamit ng mga masasamang elemento ang kaniyang area of responsibility, lalo na ng mga sympathizer at supporter ng mga Abu Sayyaf na gustong takasan ang opensiba ng sundalo sa mga lugar na yun.
Nagpasalamat naman si Asdai sa komunidad ng lungsod dahil sa kooperasyong ipinakita nito sa gitna ng deklarasyong martial law ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Mindanao.
Ferdinand Ramos – EBC Correspondent, Zamboanga City