AUGUST 28 (Eagle News) — Sinimulan na ngayong araw ng libu-libong Overseas Filipino Workers ang “zero remittance day” bilang protesta sa hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa balikbayan boxes ng mga OFW.
Ayon kay Sol Pillas, Sec. Gen. ng Migrante, handa ang ilang OFWs na magsakripisyo at palawigin pa ang boykot sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Aniya, nakiusap na ang ilang OFWs na kaya nilang hindi magpadala sa loob ng isang linggo bilang pagkondenda sa hakbang ng BOCsa mga balikbayan box na ipinapadala sa bansa.
Ito ang tugon ng grupong Migrante sa pagmamaliit ng palasyo na hindi maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa “no remittance day.”