(Eagle News) — Ipinagpaliban na muna ang nakatakdang pagpapatupad ng “zipper lane” traffic scheme sa EDSA na dapat sana ay magsisimula na sa Lunes.
Matatandaang umani ng iba’t-ibang reaksyion mula sa mga motorista nang magsagawa ng experimental implementation sa EDSA ang MMDA
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, naibsan man ng scheme ang bigat ng daloy ng trapiko sa southbound lane ng Edsa apektado naman aniya ang trapiko sa northbound lane. Kaya kinakailangan pa nilang pagplanuhan nang mabuti ang bagong scheme para sa mga gagawing adjustment.
Ang panukalang zipper lane ay makapagbabawas ng mabigat na daloy ng trapiko sa bandang Cubao-Ortigas corridor na isa sa kinokonsiderang pinaka-congested section ng EDSA.
Ilan pa sa mga nakikitang paraan ng MMDA upang maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa ay ang pagbubukas ng mga daanan at mas pinaigting na anti-illegal parking enforcement.